Reading Time: 1 minute
Gen Oscar Albayalde
PNP Chief Albayalde

Bumuo na ng task force ang PNP na pangungunahan ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na siyang mag-iimbestiga sa serye ng patayan sa Negros Oriental.

Si DIDM Director PMGen. Elmo Sarona ang mangunguna sa isasagawang imbestigasyon.

Epektibo nitong Miyerkules sinibak na sa pwesto ni PNP chief PGen. Oscar Albayalde si PCol. Raul Tacaca ang police provincial director sa lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Bernard Banac ang pag-relieved sa pwesto kay Col. Tacaca ay para bigyang daan ang isasagawang imbestigasyon.

Sinabi ni Banac aalamin sa nasabing imbestigasyon kung nagkaroon ng lapses ang PNP sa pagpapatupad ng peace and order sa nasabing probinsiya.

Itinalaga naman bilang acting police provincial director ng Negros Oriental si Deputy Regional Director for Operations, PRO7 PCol Angelito Dumangeng.

Sa ngayon kasi nasa 20 na ang naitalang nasawi sa spate of shooting sa Negros Oriental simula nuong July 18,2018 kung saan pinatay ang apat na pulis sa Barangay Mabato, Ayungon.