-- Advertisements --
Handang tanggapin ng Philippine National Police (PNP) ang anumang puna sa pagpapatupad nila ng Ligtas at Payapang Komunidad ng Department of interior and Local Government.
Ayon kay PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr, na normal lamang sa bawat komunidad na magreklamo kapag magpapatupad ng kahigpitan ang mga otoridad.
Pinayuhan nito ang publiko na kapag may negatibo sila o anumang pagkakamali ay puwede nila itong itawag sa 911.
Magugunitang mayroong mahigit 24,000 na mga paglabag na ang kanilang naaresto.
Karamihan sa mga paglabag ay ang pag-inom sa gilid ng mga kalsada.
















