-- Advertisements --

PMA Siklab-Laya class member,ibinahagi ang sekreto ng tagumpay sa loob ng akademya

CAGAYAN DE ORO CITY – Diretsang inamin ni Air Force 2nd Lt Angelique Mae Cabardo ng Philippine Military Academy SikLab-Laya Class of 2025 na muntikan na itong tumalikod sa pinangarap niya na mapabilang sa Armed Forces of the Philippines dahil sa mga pagsubok na naranasan nito sa akademya sa loob ng apat na taon sa Baguio City.

Pagsalaysay ni Cabardo na mula Iligan City na hindi umano niya naiwasan na biglang nawalan ito ng saysay habang nasa loob ng PMA at naghain ng kanyang resignation letter dahil hindi na nito naintindahan ang sarili.

Paglalahad pa nito sa Bombo Radyo,umaabot sa punto na kung hindi pa dahil sa matinding pagsisikap ng kanyang ina at kapatid na nagsikripisyong puntahan ito sa akademya ay tuluyan na itong lumabas at mag-aaral ng kursong medisina.

Pagkuwento na hirap para sa kanya ang transition period na mula pagiging civilian minded patungo sa pagiging isip-sundalo lalo pa’t kailanging patibayan ng loob sa PMA.

Subalit kalaunan ay naitawid niya ang sarili sa lahat ng mga hamon at nakuha pa nitong magsilbing magna cum laude para sa academics ng akademya.

Ito ang dahilan matapos na kabilang siya sa 266 PMA cadets graduates ay tila emosyonal itong nagbalik-tanaw sa lahat ng mga sakripisyo at mas pinili na mapabilang sa Philippine Air Force sapagkat mas gusto nito bigyang rescue mission ang kanyang mistah o bactmates na pinili mabilang sa Philippine Army.