-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nakahanda ano mang oras ang pamunuan ng Philippine Military Academy (PMA) kung mayroong isasagawa na imbestigasyon ang Kongreso.

Ito ay mayroong kaugnayan sa kasong hazing na ikinamatay ng PMA 4th Class Cadet Darwin Dormitorio na nakaranas ng malubhang injuries sa kanyang ulo at katawan habang nasa loob ng akademya.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni PMA Spokesperson Maj. Reynan Afan na ito ang dahilan na agad nila pinapapasok ang pulisya para magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa nangyari sa kadete.

Inihayag ni Afan na hindi nila patutulugin ang kaso ni Dormitorio hanggang sa makamtan ang hustisya na hinangad ng pamilya at mga kaanak nito sa Cagayan de Oro at Bukdinon.

Kinompirma rin ng opisyal na nasa 20 persons of interest ang ipinatawag nila kinabilangan ng ilang upper class ni Dormitorio.

Kung maalala,inamin ng PMA na namatay ang kanilang 20-anyos nila na kadete dahil sa nangyaring hazing sa loob ng akademya sa loob ng linggo ito lamang.

Napag-alaman na makipag-ugnayan umano ang Makabayan bloc congressmen kina Cagayan de Oro 1st District Rep Rolando “Klarex” Uy at Cagayan de Oro 2nd District Rep Rufus Rodriguez upang isagawa ang imbestigasyon sa hazing case sa PMA.