-- Advertisements --
PMA CADET
Cadet 4th Class Darwin Dormitorio

CAGAYAN DE ORO CITY -Inihabol ng pamilya Dormitorio ang paghahain ng patung-patong ng kasong administratibo laban sa apat na army doctors na dating nakatalaga sa Philippine Military Academy (PMA) sa Professional Regulations Commission (PRC) sa Metro Manila.

Ito ay matapos natuklasan ng pamilya ang mga basehan na hindi nagbigay ng kaukulang aksyon ang PMA doctor officials habang naka-confine ang nabugbog noon na si late Cadet 4th Class Darwin Dormitorio sa Baguio City.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Dexter Dormitorio,nais nila managot ang mga doktor na sina Capt Flor Apostol;Capt Allen Saa, Maj Ophelia Beloy at Lt Col Cesar Candeleria dahil sa umano’y kapabayaan ng kanilang mga tungkulin habang binigyang medikasyon si Darwin.

Inihayag ni Dormitorio na kabilang sa mga kaso na isinampa nito sa PRC laban sa army officials ay ang immoral and dishonorable conduct,gross negligence, ignorance or incompetence in the practice of his or her profession;violation of the code of ethics of Philippine Medical Association at paglabag rin sa international code of medical ethics.

Una rito,nagsampa rin ng kasong kriminal ang pamilya laban kina resigned PMA Supt Lt Gen Ronnie Evangelista at Commandant of Cadets Brig Gen Bartolome Bacarro dahil sa umano’y command responsibility.

Samantala,ipinaubaya naman ng PMA ang kapalaran ng kanilang dating mga opisyal sa ahensiya ng gobyerno na didinig sa kinaharap nila na mga kaso.

Inihayag sa Bombo Radyo ni PMA spokesperson Capt Cheryl Tindog na alam mismo ng kanilang mga opisyal kung ano ang dapat gawin bilang dating mga pinuno ng mga kadete.

Kung maalala, nahaharap rin ng kasong mga kriminal ang pitong kadete na nasa likod nang pagmaltrato kay Dormitorio noong buwan ng Setyembre 2019.