-- Advertisements --

Nagkaroon na ng paunang kasunduan ang Iran at Oman sa planong shipping route sa Strait of Hormuz.

‘Yan ang sinabi ni Iranian Foreign Ministry Esmaeil Baghaei na napagkasunduan na umano ng dalawang bansa ang mga geographic coordinates na magbibigay sa Iran ng kontrol sa mga barkong papasok sa Persian Gulf sa pamamagitan ng Strait of Hormuz.

Bagama’t sinabi ni U.S. President Donald Trump na malapit nang magkaroon ng kasunduan para sa muling pagbubukas ng Strait of Hormuz, iginiit ng mga source na may ilang mahahalagang detalye pa ring kailangang ayusin.

Sa kabila nito, nilinaw ng Iran na kahit magkaroon ng kasunduan, hindi pa rin nito magagarantiya ang tiyak na seguridad sa naturang Strait.