-- Advertisements --

Walang nakikitang malaking epekto ang pamunuan ng Philippine Army sa buong hukbo ang planong pagtigil ng US sa pagbibigay ng security assistance sa Pilipinas.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Philippine Army chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, sakaling tuluyang itigil ng Amerika ang pagbibigay ng security assistance sa Pilipinas ay tuloy-tuloy pa rin naman ang capability build-up ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pamamagitan ng kanilang modernization program.

Sinabi ni Sobejana, mensahe na rin siguro ang nasabing panukala ng US Congress na maging “self reliant” na ang Pilipinas lalo na sa defense capabilities nito.

Ayon sa heneral, may SRDP law o ang Self-Reliant Defense Posture at kanila na lamang itong bubuhayin.

May direktiba na rin si Pangulong Rodrigo Duterte sa AFP na ang military reservations ay gawin na lamang mga revenue generating asset para matustusan at mapabilis ang modernization program ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Malaki ang paniniwala ni Sobejana na kaya ng bansa na maging self reliant na hindi umaasa ng tulong mula sa kanilang US counterpart.

“We need to accelerate our modernization so with the guidance of the President na magiging revenue generating asset itong ating mga military reservations, I think it will greatly help fastrack our modernization program,” pahayag ni Lt.Gen. Sobejana.

Nilinaw din ni Sobejana, sakaling itigil ng US ang pagbibigay ng security assistance, hindi maaapektuhan ang kanilang bilateral agreement sa Amerika.

“‘Yung bilateral agreement between the two countries ay wala namang pagbabago yun it will continue, ang ating Pangulo at Pangulo ng Ameika ay magkakaibigan, and we have good working relationship with our counterpart ang US Army. Hindi naman tayo lang ang beneficiary sa bilateral ties may mga natutunan din ang US sa atin,” dagdag pa ni Sobejana.

Binigyang-diin naman ni Sobejana na unfair na sabihan silang violator ng human rights gayong wala naman naitalang kaso sa AFP na lumabag sila sa karapatang pantao.

” I’m proud to report to the public that there’s no human rights violation being committed by our soldiers in the implementation of our mandate and I would like also to share we do our job following the rule of law with all due respect in Human Rights and strictly adhere to the commission on International Humanitarian Law,” pahayag ni Sobejana.