-- Advertisements --

Ipagpapatuloy ng grupong PISTON ngayong araw ang kanilang kilos protesta.

Sinabi ni PISTON President Mody Floranda, na may ilang grupo na nagpahayag ng sasama sa ikalawang araw ng kilos protesta.

Tinawag nila ang unang araw na kilos protesta na matagumpay dahil naparalisa nila ang ilang lugar sa bansa.

Hanggang hindi ibinabasura aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang oil deregulation law at tuluyang tanggalin ang excise tax at e-vat sa langis ay hindi sila titigil.