-- Advertisements --
cavite2

Patay ang isang piskal matapos barilin kaninang alas-7:38 ng umaga sa may bahagi ng Elysian Field Subidivision, Barangay Cabuco, TMC, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Fiscal Edilbert Mendoza, 48, at siyang assistant city prosecutor ng siyudad.

Batay sa inisyal na report, nakatayo sa harapan ng kaniyang bahay ang piskal ng bigla na lamang barilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dead on the spot si Mendoza matapos umanong barilin sa ulo ng gunman.

Kasalukuyang nagsasagawa na ng manhunt operations ang Cavite PNP laban sa suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Inaalam na rin ng PNP ang motibo sa pagpatay sa piskal.