Nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang pinuno ng Democratic party sa Italy, na isa sa mga national ruling parties.

Sa isang video sa Facebook, sinabi ni Nicola Zingaretti na nasa self-isolation ito sa kanyang bahay.

Sinusuri na rin aniyia ang mga taong kanyang nakasalamuha nitong mga nakalipas na araw.

Tiniyak naman ni Zingaretti na maayos naman ang kanyang kondisyon.

Sa pinakahuling datos, nasa 4,636 na ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa Italy, kung saan mayroon na ring 197 patay.

Nitong linggo rin nang ipag-utos ng gobyerno ang pagpapasara sa mga eskwelahan, unibersidad, sinehan, at mga teatro upang mapigilan pa ang pagkalat ng sakit. (Reuters)