-- Advertisements --

Aabot na sa P3.5 billion ang pinsalang iniwanan ng Bagyong Odette sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao noong nakaraang linggo, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni DA Assistant Secretary Noel Reyes mula ang datos na ito sa 10 apektadong rehiyon na kinabibilangan ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Luzon, Eastern Visayas, Zamboanga, Northern Mindanao, Davao, at Caraga.

Ayon kay Reyes, naglaan na ang DA ng P2.6 billion para sa rehabilitation, insurance, at loan para sa mga magsasaka at mangingisda sa mga apektadong rehiyon.

Dahil sa maagang abiso sa agriculture sector hinggil sa Bagyong Odette, sinabi ni Reyes na ilang mga magsasaka ang nagawang maisalba ang kanilang tanim na mga mais at palay.