-- Advertisements --
Lalo pang lumawak ang pinsala sa sektor ng agrikultura dahil sa El Niño phenomenon.
Sa data ng Department of Agriculture (DA), lumagpas na ito sa P6 billion.
Pero ayon kay Agriculture spokesperson Asec. Arnel de Mesa, mas mababa pa rin ito sa sa inisyal na inaasahan ng kanilang tanggapan at ng mga eksperto.
Una kasing lumabas sa forecast models na posibleng aabot ang damages sa 120,000 hectares ng mga pananim, ngunit sa actual record ay 60,000 hectares lamang ang nagkaroon ng pinsala.
Sinabi ng DA na hindi na nila nakikitang lulubha pa ang epekto sa agriculture sector dahil sa mga palatandaan ng paghina ng El Niño nitong mga nakaraang linggo.
Inaasahan ding papasok na ang susunod na planting season, kapag nakapagtala na ng mga pag-ulan.