Muling nasungkit nang tinaguriang power four na sina Jasmine Alkhaldi, Nicole Oliva, Xiandi Chua at Remedy Rule ang bronze medal para sa women’s 4×200 meter relay na ginanap sa Aquatics Center, New Clark City, Capas Tarlac.

Natapos ng mga Pinay swimmers ang kanilang lap sa loob ng 8 minutes 15.46 seconds habang nanguna pa rin sa nasabing event ang Singapore na nakapagtala ng record time na 8 minutes 7 seconds at nabingwit ang gintong medalya.

Silver medal naman ang ibinulsa ng Thailand na may record time na 8 minutes 11.88 seconds.

Masaya naman si Alkhaldi na nakakuha pa rin ang kanilang koponan ng medalya na dadagdag sa panalo ng Pilipinas.

Hindi man pinalad na makapagbulsa ng medalya, binasag naman ng Fil-Kiwi na si Luke Gebbie ang sarili nitong record para sa finals ng men’s 50m butterfly.

Sa record time na 24.34 seconds ay nagtapos sa 5th spot ang atleta.

Naungusan ni Gebbie ang naitalang record noon ni Daniel Coakley na 24.71 seconds.