-- Advertisements --

Sumailalim sa dalawang lingggong molecular biology training ang mga medical technologist sa Pilipinas para mas mapalakas pa ang COVID-19 testing capabilities sa bansa.


Ayon sa United States Embassy, pinangunahan ng U.S. Department of Defense’s Philippines sa pakikipag-ugnayan ng Armed Forces Research Institute of Medical Sciences (AFRIMS) Virology Research Unit o PAVRU ang nanguna sa dalawang linggong pagsasanay sa apat na medical laboratory technologist sa bansa.

Nagsimula ang training nuong June 1 hanggang June 12, 2020.

Tinalakay sa pagsasanay ang biosafety, biosecurity, respiratory sample processing and storage, at COVID-19 testing techniques.

-- Advertisement --

Bukod sa training, una nang nagbigay ng mga laboratory equipments at supplies ang PAVRU sa V Luna Medical Center ito ay upang malabanan ang pagkalat ng COVID 19 virus.

Sa ngayon, nasa 3000 tauhan ng AFP ang sumailalim na sa COVID-19 testing sa V Luna Medical Center.