Nakapag-uwi ng dalawang bronze medal si Filipino gymnast Carlos Yulo.

Nakuha niya ito sa All-Japan Gymnastics Championships sa floor exercise at the vault na ginanap sa Takasaki Arena.

Mayroong kabuuang 14.866 na puntos itong nakuha sa vault category kung saan nanguna sa panalo sa nasabing kumpetisyon si Hidenobu Yonekura na sinunan ni Keisuke Asato.

Habang sa floor exercise ay mayroon itong 15.200 points na nanguna dito si Kazuki Minami at sinundan ni Ryosuke Doi sa pangalawang puwesto.

Nasa pang-walong puwesto si Yulo na mayroong kabuuang 170.032 points. Magugunitang tiyak na ang pagpasok ni Yulo sa Tokyo Olympics.