Reading Time: 1 minute

Tiniyak ng mga Filipino billiard players ang pagkuha nila ng gold medal sa nalalapit na 30th SEA Games.

Ayon kay Billiards and Snookers Congress of the Philippines secretary general Robert Mananquil, malaki ang tsansa ng mga pambato ng bansa sa billiards na makapag-uwi ng minimum na apat na gintong medalya.

Tiwala kasi ito sa mga star players ng bansa na pinangungunahan nina world number 4 Carlo Biado, women’s world No. 3 Rubilen Amit at Dennis Orcollo.

Kabilang din na sasabak sa SEA Games ay sina Johann Chua, Jeffrey Ignacion, Warren Kiamco, Chezka Centeno, Iris Rañola at Floriza Andal sa 9-ball at 10-ball events.

Kabilang naman sa mga coaching staff ang mga beteranong billiard players at legend na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.