-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Isina-ilalim na sa autopsy ang bangkay ng Pinay overseas worker tumalon at namatay sa ikaapat na palapag ng tanggapan ng Philippine Embassy sa Baabda, Lebanon.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi ni Divina Ramirez, advocate ng Ministry of Rural Rehabilitation and Development- National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) Lebanon Chapter, na kaya nasa embahada ang worker na si Jenalyn Banares Borbor ay dahil hinatid ito ng kanyang employer.

Batay sa ulat, may problema sa pag-iisip ang Pinay worker kaya dinala ito ng amo sa shelter ng Philippine Embassy.

Nakausap daw ni Ramirez ang dalawang pinsan ni Borbor at dito nalaman na mula sa kusina ng gusali tumalon ang Pinay.

Sa ngayon hindi pa raw mauuwi ang bangkay ni Borbor dahil naka-lockdown ang buong Lebanon dahil sa COVID-19.

Inaasikaso na ng Embassy personnel ang mga kailangang proseso para sa biktima at pamilya nito.