-- Advertisements --

AFP PNP1

Pinalakas pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang kanilang ugnayan at koordinasyon lalo at iisa ang kanilang hangarin “peace and stability” ng bansa.

Ayon kay AFP chief of staff General Cirilito Sobejana mahalaga na mapalakas ang relasyon ng dalawang security sector ng sa gayon kanilang mapagtagumpayan ang kanilang mga mandato at misyon.

Muling binigyang-diin ni Sobejana ang kahalagahan ng magandang ugnayan ng bumisita ito sa Kampo Crame nitong Miyerkules kasama ang ilang matataas na opisyal ng militar.

Nag courtesy call si Sobejana kay Outgoing PNP Chief Gen. Debold Sinas na magreretiro na sa serbisyo bukas, May 8,2021.

Binati naman ni Sobejana ang kaniyang mistah na si incoming PNP Chief Lt. Gen. Guilllermo Eleazar na uupo bilang ika-26th PNP chief.

Naging mabunga ang pagbisita ni Sobejana sa PNP kung saan nagkapalitan na mga ideya ang PNP at AFP para paigtingin pa ang relasyon ng dalawang organisasyon.

Itinuturing kasi ng AFP na kanilang “valued counterparts” ang PNP.

Ayon kay Sobejana, nagawa ni Sinas ang kaniyang trabaho at misyon sa kabila ng mga hamon na kaniyang kinaharap lalo na at nahaharap sa pandemya ang bansa.

Pinasalamatan ni Sobejana si Sinas sa kaniyang ibinigay na suporta at kooperasyon sa AFP sa kanilang peace and security efforts.

“It is indeed crucial that we come together so that we can provide unified and synchronized efforts that will pave way for the accomplishments of our respective missions, in particular for the success and sustainment of the AFP-PNP Joint Operations,” wika ni AFP Chief.

Siniguro ni AFP chief na buo ang suporta nila sa PNP.

Samantala, alas 2 mamayang hapon ay pangungunahan ni DILG Sec. Eduardo Año ang Change of Command Ceremony sa Kampo Crame Ito’y para bigyang daan ang pag-upo ni  Eleazar bilang bagong PNP Chief kapalit ni P/Gen. Debold Sinas na magreretiro na bukas, May 8,2021.