Bob Weighton
Bob Weighton/ Guinness world record image

Pumanaw na ang kinikilalang pinakamatandang tao sa buong mundo na si Bob Weighton sa edad 112.

Kinumpirma ito mismo ng kaanak ng dating guro at engineer mula sa central English county Hampshire sa pagpanaw nito sa bahay niya.

Hinirang noong Pebrero si Weighton ng Guinness World Record na pinakamatandang tao matapos ang pagpanaw ng dating may hawak nito na si Chietsu Watanabe ng Japan.

Ipinanganak sa Yorkshire sa northern England noong March 29, 1908.

Mayroon itong tatlong anak, 10 apo at 25 apo sa tuhod.