-- Advertisements --

BADIAN CEBU -Temporaryong isinara simula ngayong araw ang pinakabagong tourist attraction sa Badian Cebu, ang Badian Highlands matapos dinagsa ng hindi bababa sa 300 na mga riders na gustong masaksihan ang magandang tanawin mula sa itaas ng bundok ng nasabing bayan.

Napag-alamang hindi sinunod ng mga riders ang mga health protocols gaya ng pagsusuot ng facemask at social distancing ngayong isinailalim na ang probinsiya ng Cebu sa modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon pa sa tourism officer ng Badian Cebu na si Donald Villarin, tinatanggal ng mga riders ang suot na facemask pagdating sa lugar upang makalanghap umano ng preskong hangin.

Napag-alaman ding hindi dumadaan sa national highway ang mga riders at dumaan ang mga ito sa diversion road sa Dalaguete Cebu.

Kaugnay nito, agad na nagpalabas ng Executive order No. 22 si Badian Mayor Carmencita Lumain para sa agarang temporaryong pagpasara sa Badian Highlands kung saan matatanaw ang kabilang isla, dagat at ang ibabang bahagi ng lugar.

Sa ngayon, may mga pulis ng idineploy sa lugar upang magbantay sakaling may magpumilit na dumaan. Hindi naman nagpalabas ng petsa kung kailan ito muling buksan sa publiko.

Kinilala ang Badian na isa sa mga lugar sa Cebu na pupuntahan ng mga turista mkung saan kabilang dito ang Kawasan Falls, Kadungaw Peak, Osmeña Peak at Lambug Beach.