KAPA Fishing boat

GENERAL SANTOS CITY – Nasa kustudiya pa rin ng pulisya at Maritime Office ng Glan Sarangani province ang dalawang fishing boat na pagmay-ari ng Kabus Padatoon (KAPA).

Ito ang sinabi ni Lt. Col. Aldrin Gonzales, hepe ng Glan Municipal Police Station na kanilang hinanapan ng mga papeles ang sinasabing may-ari ng nasabing mga water crafts.

Kinumpirma nito na nakaangkorahe sa harapan ng tanggapan ng Maritime Police Office matapos kinustudiya ng pulisya.

Una nito, may isang nagpakilalang pagmay-ari ang nasabing mga fishing boat gayong walang papeles itong naipakita.

Matatandaan din pinag-agawan sa lungsod ang nasabing mga fishing boat matapos nagpakita ng special power of attorney ang isa sa mga ito habang iba naman ang nagsabi na nabili ang fishing boat mula sa mag-asawang Joel at Reyna Apolinario.

Matatandaan kinuha ng mga armadong grupo ang nasabing mga fishing boat sa isang private wharf at itinago.

Ang KAPA fishing boat ay pagmay-ari noon ng Kabus Padatoon ni Joel Apolinario.