Pasok na sa semifinals ng ASEAN Football Federation U15 Girls Championship ang pambato ng Pilipinas.

Kasunod ito ng matagumpay na panalo nila kontra Timor Leste sa torneo na ginanap sa Thailand.

Unang nabigo ang koponan noong Biyernes sa kamay ng Vietnam hanggang nakabawi sila sa Myanmar sa score na 5-0.

Nagtapos ang Pilipinas sa group stage na may 6 points matapos makakuha ng dalawang panalo at isang talo.