-- Advertisements --

Opisyal ng magiging host ang Pilipinas ng Women’s Tennis Association (WTA) tournament sa susunod na taon.

Naisali kasi sa listahan ng WTA calendar ang Philippine Women’s Open.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na WTA 125 Tournament na magaganap sa bansa mula Enero 26 hanggagn 31, 2026.

Tinatayang aabot sa 32 manlalaro sa singles draw at 16-team doubles ang matutungyahan sa hard court.

Mayroong kabuuang premyo ito na mapapanalunan na aabot sa $11,500 o katumbas ng mahigit P600,000.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chair Patrick Gregorio na matutunghayan dito ang galing ni Alex Eala at ilang mga sikat na pangalan sa tennis.