-- Advertisements --
image 43

Nakakuha na ng unang gintong medalya ang Pilipinas sa ginaganap na South East Asian Games sa Cambodia.

Ito ay kahit sa Biyernes pa lamang ang pormal na pagbubukas ng nasabing biennial event sa naturang bansa.

Nabatid na nakuha ang unang gold medal ng bansa sa pamamagitan ng panalo ni Kaila Napolis ng jiu-jitsu women’s ne-waza event.

Tinalo ni Kaila ang pinakamalakas na panlaban sana ng host country na Cambodia.