-- Advertisements --

Inihayag ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos na mananatiling neutral ang Pilipinas at hindi papanig sa mga tensyon na sumiklab sa pagitan ng Estados Unidos at China.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa ginawang pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan.

Gayunpaman, sinabi ng top security adviser na tinitingnan ng bansa ang mga developments lalo na sa pagbisita ni US Secretary of State Antony Blinken sa Maynila noong Biyernes ng gabi.

Ayon kay Carlos ang ginawang pagbisita ni Speaker Pelosi ay nagpapataas ng temperatura sa rehiyon na ayaw niyang mangyari lalo pa’t kabilang tayo na nakatira sa nasabing rehiyon at naiipit tayo sa pagitan ng dalawang magkasalungat na China at US.

Nilinaw din nito na magpapatuloy ang bansa sa pakikipag-ugnayan sa parehong partido at paulit-ulit na idineklara ni President Ferdinand Marcos na makikipag-ugnayan tayo critically and constructively sa parehong China at US.

Kailangan aniya na gumawa ng mahusay na pagkakalibrate ng ating relasyon sa dalawang political countries.

Binigyang-diin ni Carlos na maraming “moving parts” ang dapat isaalang-alang sa isyu kaya hindi maipapayo ang pagpanig alinman sa dalawang bansa.