sea games pHILS SEAG
-- Advertisements --
Clark stadium Capas Sea Games SEAG
World class New Clark City Athletics Stadium (photo by Bombo Bam Orpilla)

BACOLOD CITY – Maaaring hindi na umano magkapagpadala ng delegasyon ang Pilipinas sa nalalapit na 2021 Southeast Asian Games na idaraos sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2 sa Hanoi, Vietnam.

Ito ay kapag magpatuloy na lumala ang sitwasyon sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic na pinoproblema hindi lamang sa Southeast Asia kundi kundi maging sa buong mundo.

Ang Team Philippines ang defending champion matapos na mag-host ang bansa noong 2019.

Sa panayam ng Star FM Bacolod kay Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, na siya ringng Chef de Mission ng Philippine team sa SEA Games, inamin nito na isa sa mga pinag-aaralang maging hakbang nila ay ang hindi pagpapadala ng mga Pinoy athletes ay dahil kaligtasan pa rin ang kanilang prayoridad.

Ramon Fernandez 2
PBA great and PSC Commissioner Ramon Fernandez

”We’ve been doing lately were all for the preparation of our athletes because they really deserve our 100% support at malaking tulong din na ipagdasal natin sila para maabot nila ang kani-kanilang goal sa larangan ng sports” ani Commissioner Fernandez sa Star FM Bacolod.

-- Advertisement --

Ngunit umaasa naman si Fernandez na matutuloy ang Tokyo Olympics dahil ito ang edisyon na may pinakamalakas na tsansa ang Pilipinas na makasikwat ng gintong medalya kung saan walo na ang Pinoy athletes na makakapaglaro na kinabibilangan nina pole vaulter ej obiena, artistic gymnast Carlos Yulo, at apat na boxers na sina Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam at si 2019 AIBA Women’s Boxing World Champion Nesthy Petecio.