-- Advertisements --

Naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na ang kailangan ngayon ng Pilipinas ay “mag-transform” para hindi mapag-iwanan sa global market ng sa gayon maging bahagi ito sa bagong anyo ng mundo.

Ito ang inihayag ng Chief Executive sa ginanap na pulong ng humarap ito sa mga malalaking negosyante sa Amerika, kung saan kaniyang ninais na sabihin na mas angkop sabihin na kailangan ngayon ng Pilipinas ng transformation at hindi recovery para mapanatili ang pagyabong at paglago ng ekonomiya ng bansa, matapos ang kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Ipinunto ng Pangulo na ayaw na niyang bumalik ang Pilipinas kung saan ito bago pa tumama ang Covid-19.

Tiwala ang Pangulo na dahil sa mga magagaling at mga batang workforce, hindi malayong makamit ng Pilipinas ang inaasam-asam na transformation.

Habang nasa Washington DC ang Pangulo, nagkaroon din ito ng roundtable discussion kasama ang Senate Foreign Relations Committee na isang hakbang para makamit ang a stronger and more advantageous PH-US alliance.

Sa nasabing pulong natalakay kung papaano pa palakasin ng Pilipinas ang defense, cybersecurity, agriculture, economy, at climate change action sa pamamagitan ng isang cooperation ng dalawang bansa.

Sa kabilang dako, ibinahagi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang policy speech sa Center for Strategic and International Studies (CSIS), isa sa mga nangungunang research organization na nagbibigay ng pagsusuri at rekomendasyon sa mga policy-maker, media at publiko patungkol sa mga national security at foreign policy issues.

Ayon sa website nito, ang CSIS ay isa sa mga pangunahing institusyon ng pampublikong patakaran sa mundo na may kaugnayan sa mga isyu sa pambansang seguridad.

Ito ay isang independent non-profit na organisasyon na nakatuon sa pagsusulong ng mga praktikal na ideya upang matugunan ang mga pinakamalaking hamon sa mundo.

Nag-aayos ito ng mga kumperensya, gumagawa ng mga gawain sa paglalathala, nagsasagawa ng mga lektura at gumagawa ng mga pagpapakita sa media upang madagdagan ang kaalaman, kamalayan at kapansin-pansin sa mga isyu sa patakaran sa mga nauugnay na stakeholder at interesadong publiko.