-- Advertisements --

Nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na palakasin pa ang kooperasyon partikular sa pulitika at seguridad.

Ito ang inihayag nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at Indonesial President Joko Widodo na palakasin ang kooperasyon sa politika at seguridad.

Sa joint press statement ng dalawang lider matapos ang bilateral meeting, binigyang halaga ni Pangulong Marcos ang  malaking ambag ng Indonesia para sa pagsusulong ng  kapayapaan at pag unlad sa BARMM.

Sinabi din ng Pangulo na nagkaroon sila ng produktibo at tapat na pag uusap o diskusyon sa reginonal mutual interest partikular sa usapin sa West Philippine Sea, gayundin sa Brunei-Indonesia-Malaysia- asean growth areas.

Samantala, sa panig naman ni President Widodo, sinabi nito na tatlong bagay ang kaniyang binibigyang diin sa kanilang bilateral meeting ni Pangulong Marcos.

Kabilang dito ang politics and security, kung saan nagkasundo sila para sa mas pinaigting na border patrol at border crossing.

Sa usapin aniya ng ekonomiya ay bubuksan nila ang merkado para suportahan ng Pilipinas ang coffee products ng Indonesia.

Hiniling din ni Widodo sa Pangulo na bilisan ang konstruksyon ng  north-south commuter rail project.

Pangatlong bagay na ipinunto ni Widodo ay ang pagpapalakas sa asean centrality and unity, at ang pagkumpirma ng suporta nito sa pag iral ng asean international law.