-- Advertisements --

comelec2

Kinumpirma ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan na dalawa pang bayan, ang Misamis Occidental at ang Pilar sa Abra ang isinailalim sa kanilang kontrol.

Sinabi ni Pangarungan na ito ay base sa naging reomendasyon ng mga ground commanders ng PNP (Philippine National Police) sa komisyon.

Dagdag pa ni Pangarungan, hindi sana idedeklarang under COMELEC control ang bayan ng Pilar pero nagbago ang isip niya kaya ginamit niya ang kaniyang emergency powers.

Paliwanag ng COMELEC chairman na kaya niya inirekomenda ang pagpapalit sa puwesto ng mga pulis ay dahil sa natanggap niyang ulat na “bias” ang local police roon.

Maliban dito ay mayroon din umanong presensiya ng private armed groups sa lugar.

Binigyang-diin din nito na walang dapat ikabahala ang mga residente sa mga lugar na isinailalim sa COMELEC control.

Una nang idineklarang under COMELEC control ang bayan ng Tubaran at Malabang sa Lanao del Sur.

Sa ngayon, dinagdagan na ang mga puwersa sa mga nasabing lugar para maiwasan ang anumang karahasan sa araw ng halalan sa Mayo 9.

Ang iba pang bayan na isinailalim sa COMELEC control ang bayan ng Buluan, Datu Odin Sinsuat, Datu Piang, Mangudadatu, Pandag, at Sultan Kudarat sa Maguindanao; Marawi City at Maguing in Lanao del Sur.