-- Advertisements --

Pumalo sa 21,411 ang bilang ng bagong COVID-19 infections sa Pilipinas ngayong araw ng Linggo, base sa latest data ng Department of Health (DOH).

Dahil dito, umakyat na sa 181,951 ang bilang ng active cases o mga pasyente na nagpapagaling pa sa COVID-19.

Ayon sa DOH, sa ngayon ay papalo na sa 2,227,367 ang total COVID-19 caseload sa Pilipinas.

Sa naturang bilang 181,951 ang active cases, kung saan 86 percent ang mild, 9.5 percent ang asymptomatic, 2.59 percent ang moderate, at 0.6 percent ang nasa critical condition.

Samantala, ang total recoveries naman ay tumaas sa 2,010,271 makalipas na iniulat ng DOH ang 25,049 pang pasyente ang gumaling sa respiratory illness na ito.

Ang death toll ay nasa 35,145 matapos na madagdagan ito ng 168 pang fatalities.