Naglabas nitong Huwebes ng pahayag ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ukol sa kumakalat na volcanic smog mula sa Taal, matapos ang magkakasunod na phreatic eruption sa mga nakalipas na araw.
Ayon sa ahensya, sinukat nila ang VOG na nagmula sa Taal Caldera at naobserbahang hindi ito nakararating sa rehiyon.
Sa ngayon, nananatiling ang lalawigan lamang ng Batangas ang apektado ng volcanic smog.
Habang ang smog na na-monitor sa Metro Manila ay posibleng nanggaling lamang sa anthropogenic pollutants.
“The volcanic smog observed today is primarily concentrated over the Taal Caldera region based on visual monitors. The smog observed in Metro Manila may still be attributed to anthropogenic pollutants. Furthermore, wind speed is low (less than 1 m/s) based on the meteorological data of PAGASA, thus decreasing the likelihood of volcanic gases to reach the Metropolitan region”
Ang pag-ulan at mahinang ihip ng hangin ay nagpapababa rin ng potensyal na kapasidad ng VOG para makaapekto sa malaking bahagi ng Luzon, kasama na ang Greater Manila Area.