-- Advertisements --

Inalis na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang inilabas nitong Tsunami Warning kasunod ng magnitude na 7.4 na lindol na tumama sa Surigao del Sur, Sabado ng gabi.

Batay sa inilabas na advisory ng Phivolcs bandang alas-3:23 ng madaling araw, kanilang binabantayan ang ang pagkakaroon ng tsunami na may wave heights na 0.64 meter sa bahagi ng Mawes Island, Hinatuan, 0.18 meter sa Lawigan, Bislig City, 0.05 meter sa Port of Dapa, Surigao del Norte at 0.08 meter sa Mati, Davao Oriental.

“The last recorded tsunami wave arrival in the Philippines occurred at 02:52 AM (PST) at Hinatuan-Bislig Bay Station on Mawes Island. This means that the tsunami threat associated with this earthquake has now largely passed the Philippines,” pahayag ng ahensiya.

Sa ngayon kinansela na ng Phivolcs ang warning at pinayuhan ang mga local government na i-assess ang sitwasyon sa kanilang mga lugar.

Inihayag ng ahensiya na ang mga LGUs na may banta sa kanilang coastal areas ay nararapat lamang gumawa ng aksiyon at agad ipagbigay alam sa mga residente ang posibleng epekto na dala ng tsunami.