Inilabas na ng Philippine Tennis Association (PHILTA) ang presyo ng mga ticket at ang selling date para sa nalalapit na Philippine Women’s Open, na gaganapin sa unang pagkakataon dito sa Pilipinas.
Simula ngayong araw (Jan. 14), maari nang buili ng mga ticket para sa qualifying at main draw match, kapwa sa online at onsite.
Batay sa inilabas na ticket prices, aabot sa P200 kada araw ang ticket price para sa qualifying match habang sa unang apat na araw ng main draw match ay tataas na ang presyo ng bawat ticket sa P1,000.
Ayon kay PHILTA Executive Director Tonette Mendoza, magkakaroon muli ng pagpapalit sa presyo, pagsapit ng semifinals at finals. I-aanunsyo sa susunod na lingo ang takdang araw kung kailan bubuksan ang mga ticket.
Giit ni Mendoza, nais ng pamahalaan na makapunta ang lahat ng mga nais makapanood, lalo at ito ang unang pagkakataon na mag-host ang Pilipinas.
Bukas din aniya ang Rizal Memorial Stadium sa iba pang aktibidad, maliban sa tennis, kung saan papayagan ang mga ito na magtungo sa museum, fanzone, atbpang lugar, kahit nasa kasagsagan ang tennis tournament.
Muli ring siniguro ng PHILTA na handa na ang Rizal Memorial Tennis Center pagsapit ng araw ng turneyo.
















