Malditas
Malditas/ FB image

ILOILO CITY – Kumpiyansa ang Philippine Football Federation na makakapasok ang Malditas o ang Philippine Women’s Football team sa Semi-Finals ng 30th Southeast Asian Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Edwin Laru-an, Media Coordinator ng Philippine Football Federation, sinabi nito na nakatakdang maglaro ang Maditas mamayang 8:00 ng gabi laban sa Malaysia na gaganapin sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Laru-an, isa sa maglalaro sa Philippine Women’s Football team ang Ilongga athlete na si Hazel Lustan ng Barotac Viejo, Iloilo.

Inihayag ni Laru-an na kabilang sa mga malalakas na kuponan sa Football women ay ang Vietnam, Thailand at Indonesia.

Nanawagan rin si Laru-an sa lahat na suportahan ang Pilipinas upang maging kumpiyansa ang mga atleta.