Tinalo ng Philippine men’s football team ang Maldives 2-0 para sa 2027 Asian Cup Qualifiers.
Bumida sa panalo sina Jefferson Tabinas at Sandro Reyes na nagtala ng tig-isang goal sa first half sa laro na ginanap sa Male’s National Football Stadium sa Maldives..
Dahil sa panalo ay parehas na sila ng standing ng Tajikistan na mayroong apat na panalo at isang talo na tig-13 points bawat isa sa Group A.
Maghaharap ang dalawang koponan sa Marso 2026 para malaman kung sino ang mag-qualify sa 2027 Asian Cup na gaganapin sa Saudi Arabia.
Kinakailangan ng Pilipinas na magwagi ng hanggang dalawang goals laban sa Tajikistan para makuha nila ang goal differences.
Magugunitang tinalo na ng Pilipinas ang Maldives 4-1 at naging draw sa 2-2 ang laban nila sa Tajikistan noong Hunyo na ginanap ang dalawang laro sa New Clark City Stadium sa Tarlac.
Nitong Oktubre din ay tinalo ng Pilipinas ang Timor-Leste sa home and away games.
















