-- Advertisements --

Binigyang diin ng Philippine Coast Guard na nakakolekta sila ng 5,603 liters ng oily water mixture at 50 sako ng oil-contaminated materials mula noong Marso 1 sa gitna ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa shoreline operations, sinabi ng PCG na nakakolekta sila ng 1,071 sako at 22 drum ng oil-contaminated materials sa 13 apektadong barangay sa mga bayan ng Naujan, Bulalacao, at Pola.

Ang motor tanker na Princess Empress ay may dalang 800,000 litro ng industrial fuel oil nang lumubog ito dahil sa malakas na alon noong Pebrero 28.

Dagdag dito, lumubog ang motor tanker sa layong 400 metro sa karagatan, na masyadong malalim para marating ng mga ekspertong diver.

Aabot naman sa 100,000 na mga residente ang naapektuhan ng malawakang oil spill sa naturang lugar.

Una na rito, 13 lamang sa 77 lugar na idineklara sa ilalim ng state of calamity ang may direktang kontak sa tumagas na langis.