-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na nakapagbayad na sila ng P500-million partial payment sa COVID-19 tests na sinagot ng Philippine Red Cross (PRC).

“The PhilHealth today released P500 million as partial payment to the Philippine Red Cross,” ayon sa isang statement.

“It will expedite processing of the remaining balance following strict compliance to government accounting rules and regulations.”

Ayon kay PhilHealth president and CEO Atty. Dante Gierran, hindi hahayaan ng korporasyon na maipit ang publiko sa sitwasyon nila ng PRC.

“PhilHealth takes exception to the insinuation that is reckless and is playing on people’s lives. Its prudence in taking charge of its members’ hard-earned contributions is central to the state health insurer.”

Nangako rin ang state-health insurer na agad nilang ipo-proseso ang pagbibigay ng bayad sa iba pang accredited na laboratoryong humahawak ng RT-PCR tests ng OFW’s, kapag natanggap na nila ang kumpletong documentary requirements.

Nitong Lunes nang sabihin pa ni Atty. Alfredo Pineda II, legal counsel ng PhilHealth, na wala namang legal basis ang kasunduan ng PhilHealth at PRC.

Magugunitang ipinahinto ng Red Cross ang paghawak sa COVID-19 tests dahil sa hindi pa raw bayad na utang ng PhilHealth na nagkakahalaga ng higit P1-billion.