-- Advertisements --
Ipinahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na 68 Pilipinong nakulong sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa iba’t ibang kaso ang nabigyan ng pardon noong nakaraang buwan.
Ayon sa DFA, ang pagbibigay ng clemency ng UAE sa panahon ng Eid al-Adha ay isa aniyang makataong hakbang at patunay ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., noong Lunes, nagpasalamat ang Pangulo sa UAE, Oman, Qatar, Bahrain, at Kuwait sa pagbibigay ng pardon sa mga Pilipinong nakakulong sa kanilang mga bansa.
Samantala tinatayang mahigit 10 milyong Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa, kung saan $3 billion ang nanatiling source ng Pilipinas para sa malaking bahagi ng foreign exchange.