jerwin Ancas 1
IBF world junior bantamweight champion Jerwin Ancajas in red trunks

Mainit na sinalubong ng ilang mga opisyal ng Philippine Navy si world junior bantamweight champion Jerwin Ancajas.

Dumating si Ancajas sa bansa matapos ang isang linggo nang talunin niya si Ryuichi Funai ng Japan sa laban nila na ginanap sa Stockton, California.

Kasama ni Ancajas, na isang naval Chief Petty Officer na dumating sa bansa ang asawang si Ruth at tatlong anak nito.

Nagpahayag naman ang Panabo City, Davao del Norte native na sana ay makalaban din si WBA champion Juan Francisco Estrada sa kanyang next fight.

Sa ngayon si Ancajas ang itinuturing na “the world’s longest reigning 115-pound world champion.”