-- Advertisements --

Kapwa pasok sa weight limit na 118 pound sina dating super flyweight champion Jerwin Ancajas at WBA world bantamweigth champion Takuma Inoue.

Parehas ang timbang ng dalawang boksingero sa 117.4 pounds.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Pebrero 24 sa Ryogoku Kokugikan sa Tokyo, Japan.

Si Ancajas ay may record na 34 panalo , tatlong talo at dalawang draw na mayroong 23 knockouts.

Habang si Inoue ay mayroong 18 panalo, isang talo at apat na knockouts.
Pasok rin sa timbang ang undercard na si two-time world title Jonas Sultan at kalaban nito na si Riku Masuda sa 117.4 pounds.