NAGA CITY- Kinondena ng Philippine Army ang patuloy na pasasagawa ng mga masamang hakbang ng mga pinaniniwalaang rebeldeng groupo sa Bicol Region.
Ito ay matapos na marekober ng mga otoridad mula sa tropa ng mga pinaniniwalaang rebeldeng groupo ang hindi bababa sa 53 na piraso ng anti-personnel mines na may bigat gabat na nasa apat hanggang limang kilo.
Kung maaalala ito’y kaugnay din ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga NPA sa Barangay Del Carmen, Lagonoy, Camarines Sur na tumagal ng nasa 20 minutong palitan ng putok.
Kaugnay nito, sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt John Paul Belleza, Division Public Affairs Office (DPAO) Chief ng 9ID, Phil.Army, sinabi nito na nakiusap ito sa mga personaheng sumusuporta sa naturang groupo na makipag-ugnayan na sa gobyerno.
Ayon dito, sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente lalo na ang pag-alam sa kung paano nakaipon ng ganitong bilang ng mga pampasabog ang mga rebeldeng grupo.
Samantala, nagpasalamat din si Belleza sa mga residente ng naturang lugar na agad na nakipag-ugnayan sa kanila dahil hindi lamang umano ang mga sundalo ang posibleng malagay sa panganib gayundin ang mga inosenteng mga mamamayan.
Pinaniniwalaan kasi aniya na ang naturang mga pampasabog ay planong gamitin ng mga rebeldeng groupo sa buong rehiyon.
Sa ngayon, panawagan na lamang umano nito sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa likod ng pagtulong sa mga rebeldeng groupo na hindi matakot at agad itong ipaabot sa mga otoridad.