-- Advertisements --
duterte prrd digong
Pres Duterte

Inianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na i-invoke o gagamitin na nito ang Philippine-US Mutual Defense Treaty laban sa China.

Ang MDT ay tratado sa pagitan ng dalawang bansa na nagsasabing maaaring magtulungan ito sa oras ng pag-aatake ng ibang bansa.

Sa panayam kay Pangulong Duterte, sinabi nitong tinatawagan na raw niya ang Amerika at hinihiling na ipunin nito ang 7th Fleet sa harap ng China.

Ayon kay Pangulong Duterte, sasama rin daw at sasakay ito kung nasaan man ang admiral ng Amerika.

Isasama rin daw niya si Supreme Court (SC) Senior Associate Justice Antonio Carpio at iba pang kritiko.

Inihayag naman ni Pangulong Duterte na posibleng ito na raw ang magiging katapusan ng Palawan dahil maaaring masira ito, maokupa o pulbusin ng nuclear bombs.

Pero nauna ng ipinaliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang ganitong mga pahayag ng pangulo ay sarcastic o hindi naman literal ang ibig sabihin at nais lang niya ipakita na ang mga ideya ng kritiko kontra China ay kalokohan lang at maganda lang sa kanilang imahinasyon.

“I’m calling now America. I’m invoking the RP-US pact. I would like America to gather all their 7th Fleet in front of China. I’m asking them now. I will join them, I will ride on the boat where admiral of the US. I will drag along Carpio and the rest. When the Americans say, we’re here now, ready, I will press them. Maybe that would be the end of Palawan. Palawan may be devastated, occupied or their will be nuclear bombs. We will dry up. So nothing will grow here, we can just wait, just like a big hole coming our way, to suck us to eternity and then we can sing the ‘Mona Lisa.’ And they just lie there, and they die there,” ani Pangulong Duterte.