-- Advertisements --

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na target ng Pilipinas na makapagprodyus ng kuryente mula sa nuclear energy pagsapit ng 2032.

Ayon kay Patrick Aquino, direktor ng DOE at technical secretariat ng Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC), ang gobyerno ay nasa yugto na ng implementasyon, matapos ang ilang taong paghahanda.

Itinuturing ang taong 2026 bilang “turning point” kung kailan paiigtingin ang paghahanda ng mga sa polisiya, institutional, infrastructure, at tiwala ng publiko.

Sa ginanap na Philippine International Nuclear Supply Chain Forum (PINSCF) 2025, iniulat din dito ang 9 sa 14 na rekomendasyon ng International Atomic Energy Agency (IAEA) mula 2018 ay natugunan na ng bansa.

Isa pang malaking tagumpay ay ang pagpasa ng Republic Act No. 12305 o Philippine Atomic Energy Regulatory Authority (PhilATOM) Act, na nagsisilbing legal na batayan ng regulasyon sa nuclear energy.

Lumalakas din ang suporta ng publiko kung saan sa isang nationwide survey ng SWS, mahigit 70% ng mga Pilipino ang naniniwalang makatutulong ang nuclear power sa pagtugon sa kakulangan sa kuryente, pagbawas sa pag-angkat ng langis, paglikha ng trabaho, at pagharap sa climate change.

Ayon pa kay Aquino, mahalagang matuto mula sa mga bansang may aktibong nuclear plants ang bansa tulad ng U.S., South Korea, at Canada.