Napanatili ng Pilipinas ang mataas na rating sa paglaban sa human trafficking sa pitong sunud-sunod na taon mula pa 2016.
Base sa US State Department’s 2022 Trafficking in Persons Report, lumalabas na napanatili ng Pilipinas ang Tier 1 ranking nito na nagpapakita ng pagsisikap ng pamahalaan para matugunan ang problema sa human trafficking na pasok sa minimum standards ng US Trafficking Victims Protection Act of 2000.
Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na naninindigan ang gobyerno ng Pilipinas sa commitment nito sa pagtataguyod at pagprotekta ng karapatang pantao at ang Tier 1 ranking ng bansa ay pagkilala sa whole-of-government approach ng DFA at Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para mapigilan ang trafficking, pagprotekta sa mga biktima at paglilitis sa mga perpetrators ng heinous crime.
Sa kabila naman nito, ipinunto ng US State Department na iilang traffickers lamang ang inimbestigahan o inaresto at wala din aniyang report sa pagpapanagot sa mga opisyal na sangkot sa human trafficking crimes.
Sa panig ng DFA, sinabi nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng gobyerno ng Pilipinas sa civil society at sa international commmunity para mapa-improve pa ang mga polisiya at legislation at mekanismo para mabawasan at mapuksa ng tuluyan ang crime traffficking.
Kasama din ng Pilipinas na nasa Tier 1 pagdating sa paglaban sa human trafficking ay ang Australia, Canada, Chile, Germany, Singapore, the United Kingdom, at Estados Unidos.