-- Advertisements --
Nananatili umanong tumatalima ang Pilipinas sa One China Policy.
Ito ang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro, sa gitna ng mga usapin hinggil sa tensyon sa pagitan ng China at Taiwan.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Lazaro na hindi kinikilala ng bansa ang Taiwan bilang isang hiwalay at soberanong estado, kundi bahagi ng mainland China alinsunod sa naturang polisiya.
Ang One China Policy ay nagsasaad na iisa lamang ang bansang China, at ang Taiwan ay bahagi nito.
Ito ang opisyal na posisyon ng Pilipinas sa mga diplomatikong ugnayan sa rehiyon.
Binanggit ng kalihim ang kahalagahan ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon ng Indo-Pacific.
Nanawagan ang DFA sa mahinahong pag-uusap upang maiwasan ang paglala ng sitwasyon.