PH Swimming Inc
PH Swimming Inc

Nag-uwi ng tatlong gintong medalya ang Philippine national diving team sa katatapos na 10th Asian Age Group Championship sa India.

Unang nakakuha ng gold medal si Filipino-American Monique Ann Demaisip ng magwagi ito sa 1-meter springboard.

May kabuuang 185.5 points ito at tinalo ang pambato ng Kazakhstan na si Borova Yelizaveta at Lai Yu Yen ng Chinese Taipei.

Nakakuha rin ito ng gold medal sa 3-metr springboard na may kabuuang 214.40 na tinalo ang dalawang Kazakhstan divers.

Nakuha naman ni Deo Francisco ang ikatlong gold medal sa 3-meter springboard na may score na 295.70 na tinalo ang mga pambato ng India.

Pinangunahan ng Philippine contingent ng Philippine National Diving Team chairwoman Marie Dimanche at mga coaches na sina Xiaofeng Cui at Nino Beduya Carog.