-- Advertisements --

Hinimok ng dating COVID Task Force adviser na si Dr. Tony Leachon ang pamahalaan na gawing bukas sa publiko ang mga impormasyon ukol sa UK variant ng deadly virus, sa halip na pakalmahin lamang sa kasalukuyang sitwasyon.

Ayon kay Dr. Leachon sa panayam ng Bombo Radyo, “worst case scenario thinker” umano siya, para hindi na magkagulatan sa oras na lumala ang sitwasyon.

“Usually, worst case scenario thinker” ako eh. Hindi natin kailangang hintayin na magkaroon ng community transmission bago kumilos…, i-assume natin na meron na,” wika ni Leachon.

Naniniwala raw siyang nakakalat na sa bansa ang nasabing COVID variant, pero hindi pa mahanap ang lahat dahil sa mahinang contact tracing.

Ang pagkakaroon umano ng mga kaso ng nag-mutate na virus sa malalayo at bulubunduking lugar ay patunay lamang na naabot na rin nito ang iba pang bahagi ng ating bansa, lalo na ang highly populated areas.