Philippine Cycling team
Philippine Cycling team

Tiwala ang Philippine Cycling team na kaya nilang mamayagpag sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games).

Pangungunahan kasi ang Philippine team ni Ronald Oranza at Jan Paul Morales kasama sina Joshua Cariño, Junrey Navarra, George Oconer at John Mark Camingao.

Dagdag pa ni Morales, kapag sila ay magkaisa ay hindi malayong makamit nila ang gintong medalya.

Ang nasabing selection ay personal na pinili ni Philippine Olympic Committee president at Cavite Rep. Abraham “Bambol” Tolentino.

Gaganapin ang apat na road race events mula Disyembre 1 hanggang 10 sa Tagaytay City.

Bukod sa apat na road events para sa mga kalalakihan ay mayroong siyam na iba pang races ito ay tatlo sa BMX, dalawa sa mountain bike at apat na events sa women’s division.