Pumalo na sa 286,743 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng pandemic na coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa inilabas na case bulletin ng ahensya, pitong laboratoryo ang bigong makapag-submit ng kanilang mga report sa COVID-19 Data Repository System kaya ang new cases ay nasa 3,311.
Kabilang sa mga hindi nakapagpasa ng report kahapon ay ang:
- AFRIMS- Collaborative Molecular Laboratory (VLUNA)
- Dr. Jorge P. Royeca Hospital
- Kaiser Medical Center Inc.
- Oriental Mindoro Provincial Hospital – GeneXpert Laboratory
- Taguig City Molecular Laboratory
- University of Perpetual Help System Dalta
- Valenzuela Hope Molecular Laboratory
“Of the 3,311 reported cases today, 2,774 (84%) occurred within the recent 14 days (September 7 – September 20, 2020). The top regions with cases in the recent two weeks were NCR (1,182 or 43%), Region 4A (555 or 20%) and Region 6 (299 or 11%).”
Aabot pa sa 51,894 ang mga nagpapagaling. Binubuo ito ng 86.6% na mga mild, 8.7% asymptomatic, 3.3% critical at 1.4% na mga severe.
Samantala, aabot sa 20,021 additional recoveries din ang iniulat ng DOH kaya ang kabuuang bilang ng mga gumaling ay nasa 229,865 na.
Habang 55 ang nadagdag sa death toll na ngayon ay umaabot na sa 4,984.
“Of the 55 deaths, 33 occurred in September (60%), 17 in August (31%) and 5 in July (9%). Deaths were from NCR (29 or 53%), Region 7 (6 or 11%), Region 6 (5 or 9%), Region 4A (4 or 7%), Region 5 (3 or 5%), BARMM (3 or 5%), Region 1 (2 or 4%), Region 3 (1 or 2%), Region 8 (1 or 2%), and CARAGA (1 or 2%).”
“Twenty-nine (29) duplicates were removed from the total case count. Of these, 14 recovered cases and 1 death have been removed. However, one case was reactivated after further validation.”
“Moreover, twenty-eight (28) cases previously tagged as recovered were reclassified to deaths (25) and active (3) cases after final validation.”