-- Advertisements --

Pumalo na sa 9,223 ang kabuuang bilang ng confirmed COVID-19 cases sa bansa ngayong araw, batay sa inilabas na anunsyo ng Department of Health (DOH).

Sa ika-50 case bulletin ng Health department, lumalabas na may 295 indibidwal na naitalang bagong nag-positibo sa sakit.

Mayroon namang 90 recoveries, kaya ang total ng mga gumaling ay umakyat pa sa 1,214.

Ito ang pinakamataas na bilang ng reported recoveries sa loob ng isang araw mula April 16.

Nakapagtala rin ng pinakamababang numero ang reported deaths sa apat, na ngayon ay may total nang 607 na namatay.